Nagbabala ang isang mambabatas kaugnay sa pagiging banta ng umano’y troll farms hindi lamang sa nalalapit na eleksyon kundi maging sa demokrasya ng bansa.
Sinabi ni Bayan Muna Party-List Rep. Carlos Zarate, dapat na imbestigahan ang pagkakasangkot ng isang government official na umano’y nasa likod ng pagbuo ng troll farms sa iba’t ibang panig ng bansa bilang paghahanda para sa darating na eleksyon.
Ani Zarate, malaki ang maaaring maging implikasyon ng ipakakalat na misinformation o fake news ng mga troll na ito sa pagboto ng tao sa 2022 elections.
Hindi niya umano lubos maisip na posibleng manalo bilang presidente ang inihalal ng mga troll.
Una nang ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na isa umanong government undersecretary ang gumagamit ng pondo ng bayan para maglagay ng kahit 2 troll farms sa kada probinsya.