Sobra-sobra ang bilang ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines o AFP upang sagupain ang mga miyembro ng New People’s Army o NPA sa Mindanao.
Ito ang tiniyak ni AFP Chief of Staff, General Eduardo Oban sa gitna ng patuloy na paghahanda ng militar sa pagpasok sa mga kampo ng mga rebelde matapos suspendihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks at unilateral ceasefire.
Patuloy aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga military commander sa Eastern Mindanao at batid rin ng mga ito ang kanilang gagawin.
Batay sa pinaka-huling tala ng militar, nasa 3,700 na lamang ang bilang ng mga rebeldeng komunista sa bansa at kalahati nito ay nag-o-operate sa Eastern Mindanao.
Samantala, nakatutok na anya sila sa pag-rescue sa mga sundalong binihag ng NPA sa Surigao Del Norte at Sultan Kudarat.
By Drew Nacino