Hindi aalisin ng Germany, Turkey at Italy ang tropa nito sa Afghanistan sa gitna na rin nang patuloy na pagpapalaganap ng kaguluhan ng mga grupo ng Taliban.
Ang joint forces ay base na rin sa desisyon ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) matapos ituloy ng Amerika ang 14-year military presence nito sa Afghanistan.
Tiniyak naman ni NATO Top Commander General Philip Breedlove na patuloy ang pagbibigay nila ng ayuda sa Afghanistan kasama ang mahigit 10,000 US troops.
Ang presensya ng NATO forces sa Afghanistan ay kasunod nang pananakop ng Taliban sa provincial capital ng nasabing bansa.
By Judith Larino