Humina na ang Tropical Cyclone Ramon matapos tumama sa Santa Ana, Cagayan kaninang 12:20 a.m.
Ayon sa Pagasa, isa na lamang itong Severe Tropical Storm at patuloy na kumikilos sa ibabaw ng Cagayan.
Huling namataan ang bagyo sa bahagi ng Baggao, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kph (kilometro kada oras) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 165 kph.
Kumikilos ito sa bilis na 10 kilometro bawat oras sa direksyong timog-kanluran.
Samantala, wala nang lugar na nasa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 habang nakataas ang Signal No. 2 sa:
- Batanes;
- Cagayan kabilang ang Babuyan Islands;
- Apayao;
- Kalinga;
- Abra;
- Ilocos Norte; at
- Ilocos Sur.
Nasa ilalim naman ng Signal no. 1 ang:
- hilagang bahagi ng Isabela (Sta. Maria, San Bablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mallig, San Manuel, Burgos, Gamu, at Ilagan City);
- Mountain Province;
- Benguet;
- Ifugao;
- La Union; at
- Pangasinan.