Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tropical cyclone wind signal number 1 sa pitong (7) lalawigan sa hilagang luzon dahil kay Bagyong Ineng.
Ito ay sa lalawigan ng Ilocos Norte, Northern Abra, Kalinga, Apayao, Isabela, Cagayan kasama ang Babuyan Group of Islands at Batanes.
Magdadala naman ng mahina hanggang malakas na pag-ulan ang habagat sa mga lugar ng Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro, Northern Palawan, Antique at Aklan.
Mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan naman ang mararanasan sa buong Metro Manila.
Samantala, ayon sa PAGASA kung magpapatuloy ang galaw ng bagyo ay inaasahang lalabas na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa araw ng linggo.