Humina pa ang tropical depression ‘Betty’ at isa na lamang ngayong low pressure area o LPA.
Huling namataan ng PAGASA ang naturang sama ng panahon sa layong 1,385 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.
Inaasahang hihina pa sa mga susunod na oras ang nabanggit na weather disturbance hanggang matunaw sa loob ng Philippine Area of Respponsibility o PAR.
—-