Humina na at isa na lamang Low Pressure Area (LPA) ang Tropical Depression Carina.
Ayon sa 11 p.m. severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan kaninang alas-10 ng gabi ang naturang LPA sa layong 170 kilometro hilagang-kanluran ng Basco, Batanes.
Samantala, nagbabala naman ang PAGASA sa maalong karagatan sa mga baybaying dagat ng Batanes, Ilocos Norte, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, at Isabela sa susunod na 24 oras.