Patuloy na lumalakas si Tropical Depression Gardo na huling namataan alas-10 ng gabi sa layong 1,125 kilometers silangang bahagi ng extreme Northern Luzon.
Taglay ni Bagyong Gardo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Ayon kay PAGASA weather specialist Grace Castañeda, kumikilos ang bagyo pakanluran-timog-kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour pero wala itong direktang epekto sa anomang bahagi ng bansa.
Samantala, nag intensify o mas tumindi naman ang lakas ni Super Typhoon Hinnamnor na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) habang patuloy nitong binabaybay ang karagatan na huling namataan sa layong 1,305 kilometers silangan-hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.
Taglay ni Super Typhoon Hinnamnor ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 240 kilometers per hour.
Kumikilos ito pakanluran-timog-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour at wala rin itong direktang epekto sa anomang bahagi ng bansa.