Inaasahang papasok mamayang hapon o gabi sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical depression na binabantayan ng PAGASA.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ito sa layong 1,640Km silangan ng central luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55Km/hr at may pagbugsong aabot sa 70Km/hr kada oras.
Kumikilos ang bagyo pa hilaga, hilagang-kanluran sa bilis na 20Km/hr.
Sa oras na pumasok ang bagyo sa PAR, papangalanan itong “Marilyn”.