Mas lumakas pa ang Tropical Depression Jenny habang kumikilos patungong Central Luzon at isa na ngayong Tropical Storm.
Batay sa weather forecast ng PAGASA, inaasahang maglalandfall ang Bagyong Jenny sa Aurora mamayang gabi o bukas ng umaga.
Huling namataan ang sentro ng Bagyong Jenny kaninang 10:00AM sa layong 360 kilometro silangan, hilagang-silangan ng Daet, Camarines Norte o 490 kilometro silangan ng Infanta, Quezon.
May lakas ito ng hanging nagtataglay ng aabot sa 65 kilometers per hour (kph) malapit sa sentro at pagbugsong may lakas na 80 kph.
Kumikilos ito pa-kanluran, hilagang-kanluran sa bilis na 25 kph.
Dahil dito itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Isabela, Aurora at Quirino.
Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Cagayan, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, northern portion ng Quezon kabilang na ang Polillo Islands, Cavite, Laguna, Camarines Norte, northeastern portion ng Camarines Sur at Catanduanes.
Pinapayuhan naman ang publiko at mga disaster risk reduction and management council na imonitor ang lagay ng panahon at antabayanan ang susunod na weather bulletin ng PAGASA.