Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Nando, kagabi.
Huling namataan ang bagyo sa layong 435 kilometro, kanluran hilagang-kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Taglay na laman ng naturang sama ng panahon ang hanging aabot sa 45 kilometro kada oras at pagbugso na 60 kilometro bawat oras.
Samantala, isa pang namumuong weather disturbance o Low-Pressure Area ang namataan sa hilagang-silangan ng bayan ng Alabat, Quezon.
SMW: RPE