Posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Nika bandang Lunes nang umaga at tanghali ayon sa PAGASA.
Hindi naman nagtaas ng storm signals ang PAGASA subalit patuloy pa ring mararanasan ang habagat at northeasterly surface windflow na magdadala ng malalakas na hangin at pabugso-bugsong pag-ulan sa Hilaga at Timog na bahagi ng Luzon.
Namataan ang bagyong Nika 200 kilometro kanlurang -timogkanluran sa Sinait, Ilocos Sur dala ang hanging 55 kilometro kada oras at pabugso-bugsong hangin na hanggang 70 kilometro kada oras.
Samantala inaasahang maglalandfall naman ang bagyong Nika sa Hainan Province sa China sa Miyerkules nang umaga. —sa panulat ni Agustina Nolasco