Nananatili paring mabagal ang paggalaw ng Tropical Depression ‘Nimfa’ patungong hilagang parte ng karagatan ng bansa.
Batay sa pinakahuling pag tala ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyong ‘Nimfa’ sa 750 kilometro Silangan Hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour (km/h) malapit sa gitna at pagbugsong aabot naman sa 70 km/h.
Dahil dito ay makakaranas ng katamtaman hanggang paminsan-minsang pag ilan ang Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Pangasinan, at La Union.
Paminsan-minsang mahina hanggang katamtamang pag-ulan at may pabugso-bugsong malalakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, at sa ibang parte ng Central Luzon, Ilocos Region, at Cordillera Administrative Region (CAR) sa susunod na 24 oras.
Asahan din ang kalat kalat na pag-ulan at Thunderstorms sa iba pang parte ng Luzon.