Napanatili ng Tropical Depression ‘Nimfa’ ang lakas nito habang halos hindi kumikilos sa ibabaw ng Philippine Sea.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 670 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour (km/h) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 km/h.
Posibleng maging isang Tropcical Storm ang bagyo sa loob ng 24 oras at inaasahang lalabas ito ng PAR sa araw ng Sabado, Setyembre 21.
Samantala, binabantayan naman ng PAGASA ang isa pang Low Pressure Area (LPA) na sa San Jose, Tarlac.
Inaasahang tatawid ng Central Luzon ang nasabing LPA.