Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang Tropical Depression na pinangalanang “Onyok”.
Ayon sa PAGASA, dakong 2:00 am nang pumasok ito sa PAR.
Huling namataan ang sentro ng Tropical Depression Onyok sa layong 1,100 kilometro silangang bahagi ng Virac, Catanduanes.
May taglay ito ng lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour (kph) at pagbugso namang aabot sa 70 kilometro bawat oras (kph).
Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras.
Magdadala naman ito ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat ang Bicol Region at Eastern Visayas.
Malabo ang tyansang mag-landfall ang Tropical Depression Onyok, pero maari itong lumakas at maging isang tropical storm.
Samantala, inaasahan namang makalalabas na ito ng PAR sa Martes, October 1.