Posibleng mag-landfall ang tropical depression Tonyo sa Southern Quezon o Batangas.
Huling namataan si “Tonyo” sa layong 90 km timog timog silangan ng Alabat, Quezon.
Taglay nito ang hanging aabot sa 45 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot hanggang 60 km/h.
Kumikilos ito pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 km/h.
Ayon sa PAGASA, nagbabanta ito sa mga lalawigan Marinduque at Mindoro.
Inaasahan ding tatahakin ni “Tonyo” ang West Philippine Sea ngayong umaga at lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng umaga.
Magdudulot ito ng hanggang katamtamang lakas ng pag-ulan sa Mindoro Provinces, northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Aurora, at eastern portions ng mainland Cagayan at Isabela.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay may kalakasang buhos ng ulan ang maaaring maranasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Metro Manila, at nalalabing bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA.