Bahagyang bumilis ang Tropical Storm ‘Nimfa’ habang kumikilos patungong Hilaga Hilagang-kanlurang bahagi ng Philippine sea.
Batay sa pinakahuling pag tala ng PAGASA, namataan ang sentro ni Nimfa sa layong 715 kilometers Silangan Hilagang-silangan ng Basco, Batanes
May lakas ito ng hanging aabot sa 65 km/h (kilometers per hour) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 km/h habang kumilos patungong Hilagang Hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h
Dahil dito ay asahan ang mahina hanggang sa katamaman pag-ulan at paminsan-minsang malakas na ulan sa Metro Manila, Central Luzon, at CALABARZON.
Paminsan-minsang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulat at pabugso-bugsong malalakas na ulan naman ang asahan sa Bicol Region, Pangasinan, Mindoro Provinces, Romblon, Marinduque, at Calmian Islands.
Ang ibang bahagi ng Luzon naman ay makakaranas ng panaka-nakang pag ulan at pulo-pulong pag-kulog at pag-kidlat.
Inaasahan namang lumabas ng PAR si ‘Nimfa’ sa umaga ng Sabado, Setyembre 21.