Bahagyang humina ang Tropical Storm Sarah habang kumikilos patungong Southern Ryukyu Islands sa Japan.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 345 kilometro hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
Taglay na lang nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 km/h (kilometro kada oras) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 km/h.
Kumikilos ito pa-hilaga sa bilis na 20 km/h.
Samantala wala nang lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signals.
Inaasahang lalabas ng Philipppine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Sarah mamayang gabi o bukas ng umaga, Nobyembre 23.