Nasa P4.5 milyon na halaga ng endangered Philippine wood species ang nasabat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lungsod ng Valenzuela at lalawigan ng Bulacan.
Natimbog din sa tatlong magkahiwalay na operasyon ang 13 indibidwal at nakumpiska mula sa mga ito ang dalawang luxury vans na ginagamit sa pagbiyahe ng iligal na troso.
Inilarga ang unang operasyon sa Barangay Parada, Valenzuela City kung saan tatlumpu’t tatlong tabla ng narra, yakal, molave at kamagong na may sukat na nasa 3,503 board feet ang nakumpiska.
Ayon kay DENR Undersecretary for Protected Areas and Special Concerns Edilberto Dc. Leonardo, nagkakahalaga ang mga kontrabando ng P4 milyon.
Nasakote rin sa pito katao ang mga tabla ng teakwood, kamagong at molave sa Guiguinto at Norzagaray, Bulacan na aabot naman sa kalahating milyong piso ang halaga.—sa panulat ni Drew Nacino