Ang trough ng Low Pressure Area (LPA) ang nakakaapekto sa Visayas at Mindanao. Dahil dito magiging maulap ang panahon sa Palawan, Romblon, Visayas at Mindanao.
Mahina hanggang sa katamtamang ulan ang mararanasan sa Bacolod, Negros at Siquijor sa Visayas.
Inaasahan naman na malulusaw na ang Low Pressure Area ngayong araw.
Samantala, may malakas na bagyo sa Dagat Pasipiko. Bagamat hindi inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang severe tropical storm Choi-Wan na patungo ng Japan, hahatakin naman nito ang habagat na magadadala ng light to moderate rains sa Mindanao.
Magiging mainit at maaliwalas naman ang panahon ngayon sa Luzon ngunit may posibilidad pa rin ng pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat lalo na sa dakong hapon at gabi.
By Mariboy Ysibido