Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ng pansamantalang modified truck ban sa Asia Pacific Economic Cooperation meeting o APEC Summit sa susunod na buwan.
Ayon kay MMDA officer-in-charge Emerson Carlos, ang scheme ay isasagawa sa south truck route sa November 17 hanggang November 20 mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.
Sinasabing ito’y bilang suporta sa gagawing pagsasara sa dalawang lanes ng Roxas Boulevard.
Sinabi ni Carlos na sa pamamagitan nito’y masisigurong hindi maaantala ang biyahe ng mga delegado ng APEC partikular sa mga lungsod ng Maynila, Pasay at Makati.
By Jelbert Perdez