Ipatutupad nang muli ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang truck ban sa Metro Manila simula sa Lunes, 17 ng Mayo.
Sa isang pahayag, sinabi ng MMDA ang naturang hakbang ay bunsod ng pagbaba ng quarantine status ng Metro Manila sa general community quarantine mula sa dating mahigpit na restriksyon.
Ibig sabihin, hindi pwedeng bumyahe ang mga truck sa mga kalsada sa rehiyon mula alas-6 hanggang alas-10 ng umaga; at alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi mula Lunes hanggang Sabado.
Sa kabila nito, exempted naman o hindi kasali sa naturang truck ban ang mga truck na may dalang mga agricultural foodstuff.