Muling ipinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula ngayong araw na ito ang truck ban.
Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, epektibo ang truck ban, Lunes hanggang Sabado, alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi at alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.
Ipinabatid ni Abalos na exempted naman sa truck ban ang perishables at agriculture produce.
Pinag-aaralan din aniya ng MMDA kung maaaring papasukin ang mga truck kapag Sabado.