Epektibo pa rin ang pag-iral ng suspensyon sa truck ban sa National Capital Region (NCR).
Ito’y ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang palawigin ang suspensyon nito hanggang ika-14 ng Mayo, 2021.
Paliwanag ng MMDA na ito’y dahil sa muling pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus.
Giit ng MMDA na layon ng naturang suspensyon ang pagtitiyak sa tuloy-tuloy na delivery ng mga pangunahaing pangangailangan sa rehiyon.