Pansamantalang ipatutupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang truck ban sa Roxas Boulevard para maibsan ang pagsikip ng daloy ng trapiko sa gitna ng patuloy na konstruksyon sa lugar.
Ayon kay MMDA acting chairman Carlo Dimayuga III, ito ang nakikitang solusyon ng Metro Manila mayors sa gitna ng konstrusyon ng isang proyekto ng Department of Public Works and Highways sa harap ng US Embassy.
Sinabi pa ni Dimayuga, naglabas na sila ng resolusyon na pansamantlang nagbabawal sa mga truck at trailer, na may kabuuang kapasidad na timbang na higit 4,500 kilo, na dumaan sa Roxas Boulevard.
Nagbigay naman ng alternatibong ruta ang MMDA sa mga motorista habang patuloy pa rin ang konstruksyon sa lugar.
Samantala, sinabi rin ni Dimayuga na magpapatupad ang kanilang ahensya ng moratorium sa paghuhukay ng kalsada mula November 14 hanggang January 2 bilang bahagi ng Traffic Mitigation Measures para sa Holiday season. —sa panulat ni Hannah Oledan