Suspendido pa rin ang truck ban sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Ito ang ininunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority matapos isailalim sa Alert Level 3 ang buong NCR hanggang Nov. 14.
Paliwanag ng MMDA, ang suspensiyon ng truck ban ay bilang suporta na rin sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya upang hindi mabalam ang delivery ng cargo, partikular ang mga medical supplies at essential goods ngayong panahon ng pandemya.
Nanawagan naman ang ahensya sa mga truck drivers na huwag lumabas sa kanilang linya at sumunod sa traffic regulations upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.