Nagsisimula na ang truck ban sa kahabaan ng Edsa mula alas-singko ng umaga hanggang alas-nueve ng gabi.
Kabilang dito ang mga light truck na dumadaan sa Magallanes hanggang North Avenue.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), panahon na para ibalk ang number coding scheme at truck ban dahil dumarami na ang mga sasakyan tuwing rush hour sa hapon.
Samantala, napansin na ng mga motoristang araw-araw dumadaan sa edsa ang pagluwag ng trapiko mula nang ipatupad ang naturang scheme kahapon.—sa panulat ni Airiam Sancho