Arestado na ang tsuper ng trak na nakasagasa sa isang Pilipinang doktor sa Bahrain, 5 araw na ang nakalilipas.
Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, agad nasawi ang naturang doktor na napag-alamang pediatrician matapos tatlong beses gulungan ng 16-wheeler truck.
Sasagutin naman ng employer ng naturang pediatrician ang gastusin para makauwi ang labi nito sa Pilipinas.
Inaasikaso na rin ng DFA ang pagpoproseso sa mga dokumentong kinakailangan at inabusuhan na rin ang pamilya nito rito sa Pilipinas.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco