Ipinagpatuloy ng mga miyembro ng Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) ang truck holiday o truck rest day.
Kaugnay nito, nagsagawa ng caravan ang naturang grupo upang magprotesta sa Philippine Ports Authority o PPA at magtungo sa tanggapan ng LTFRB.
Ayon kay attorney Ryan Esponilla ng CTAP, bigo pa rin ang PPA na tugunan ang kanilang mga hinaing sa napakabagal na trade facilitation at hadlang sa mabilis na pagdadala ng mga kargamento at materyales para sa iba’t ibang industriya.
Samantala, sinabi niya na hindi na kasalanan ng kanilang isinasagawang protesta sakaling tumaas ang presyo ng imported na mga bilihin. —mula sa panulat ni Airiam Sancho