Wala pang plano si Canada Prime Minister Justin Trudeau na magpasaklolo sa kanilang tropa ng militar para tulungan ang pamahalaan na labanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Gayunman hindi aniya nila isinasantabi ang opsyon na ito lalo’t 10 lalawigan na ang nagdeklara ng state of emergency dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Ani Trudeau sa ngayon ay wala pa naman silang natatanggap na hiling para magpakalat ng militar upang makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng sakit.