Hindi dapat isisi kay US President Donald Trump at iba pang global factors ang hindi mapigilang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Pilipinas.
Ito ang tugon ng ekonomistang si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang tariff policies ni Trump at pagtaas ng interest rates sa US ang dahilan ng inflation.
Ayon kay Recto, “self-inflicted” o nagmula mismo sa bansa ang problema sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo ng pagkain at isa sa dahilan nito ay ang patuloy na paghina ng piso.
Kabilang aniya sa maaaring solusyon ang pag-increase sa produksyon; pagpapabilis sa pamamahagi ng land titles sa mga magsasaka kasabay ng pagpapahintulot sa land consolidation; tapyasan ang taripa sa agricultural products at paghikayat sa private sector na maginvest sa technology at mechanization sa agri-sector.
Pinayuhan naman ni Recto ang Department of Finance na hilingin sa Kongreso na pansamantalang suspendihin ang second package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN 2.
—-