Sisimulan na ng Estados Unidos ang paghahanda sa posibleng pagpupulong nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin sa kalagitnaan ng Hulyo.
Ayon sa tagapagsalita ng US National Security Council, nakatakdang magtungo si National Security Adviser John Bolton sa Moscow para makipag-usap kay Moscow Kremlin Spokesperson Dmitry Peskov sa katapusan ng Hunyo.
Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang pag-uusap ng dalawang pinuno matapos ang NATO Summit at nakatakdang pakikipagkita ni Trump kay Queen Elizabeth sa London.
Batay sa ulat, nais umano ni Trump na ganapin ang pagpupulong sa Washington pero mas gusto umano ni Putin na gawin ito sa isang neutral country.
Wala namang ibang detalyeng ibinagay ang washington sa sinasabing pagkikita nina Trump at Putin.
—-