Binalaan ni outgoing Central Intelligence Agency Director John Brennan si incoming US President Donald Trump sa plano nitong pakikipag-ugnayan sa Russia.
Ayon kay Brennan, dapat pag-isipan ni Trump ang bawat pahayag na kanyang bibitiwan sa oras na umupo sa White House sa Sabado.
Ang pagiging mainitin ng ulo at pabigla-bigla anya ay hindi nakatutulong upang maprotektahan ang national security interests ng Amerika lalo’t pamumunuan ni Trump ang pinakamakapangyarihang bansa.
Iginiit ni Brennan na hindi dapat basta nag-aakusa si Trump laban sa intelligence community dahil pawang “classified” o lihim ang mga impormasyon o report nito.
Magugunitang binatikos ni Trump ang US Intelligence Community dahil sa pag-leak sa mga impormasyon hinggil sa pananabotahe umano ng Russia sa presidential elections noong Nobyembre.
By Drew Nacino | Story Credit: CNN PH
Photo Credit: Reuters