Binawi ni U.S. President Donald Trump ang naunang utos na magsagawa ng military strike sa Iran bilang ganti sa pinabagsak nitong U.S. surveillance drone.
Ayon kay Trump, ipinahinto niya ang pag-atake sa Iran dahil posibleng madamay dito ang aabot sa 150 mga inosenteng tao.
Batay sa naunang plano ni Trump, ipinag-utos niya ang pag-atake ng U.S. military sa tatlong lugar sa Iran matapos pabagsakin ng Iran ang isang U.S. drone dahil panghihimasok umano nito sa kanilang teritoryo.
Una nang pinangambahan ang posibilidad na mauwi sa giyera sa pagitan ng dalawang bansa ang ginawang pagpapabagsak ng Iran sa surveillance drone ng Amerika.