Hindi muna lalabas ng White House si US President Donald Trump.
Ayon sa ulat, hindi dadalo sa mga political campaigns ang presidente kahit nag-negatibo na ito sa coronavirus.
Gayunman, nangako ang kampo ni Trump na lalahok pa rin ito sa virtual radio rally na inoorganisa ng ilang radio stations sa Amerika.
Samantala, nabatid na sina Joe Biden at Kamala Harris ay dadalaw ng Las Vegas, Nevada para mangampanya.