Hahatulan na si U.S. President Donald Trump sa kinakaharap nitong impeachment case.
Ayon kay House Speaker Nancy Pelosi, itinakda na bukas ang pagboto ng mga kongresista sa nasabing impeachment case partikular sa dalawang articles of impeachment laban kay Trump.
Tinawag ni Pelosi na isang ‘prayerful moment’ sa kasaysayan ng kanilang bansa ang nasabing usapin at dapat kilalanin aniya ang sinumpaan nilang susuportahan at ipagtatanggol ang kontitusyon mula sa kanilang mga kaaway –sa loob o labas man ng Amerika.