Hiniling ni U.S. President Donald Trump sa U.S. Supreme Court na huwag payagang maibigay sa New York prosecutors ang kanyang tax returns sa loob ng walong taon.
Sa kanyang petisyon, sinabi ni Trump na ang subpoena para sa kanyang tax returns mula 2011 hanggang 2018 ay labag sa presidential immunity na nasasaad sa konstitusyon.
Nais ni Trump na baliktarin ng Korte Suprema ang pagpayag ng 2nd U.S. Circuit Court of Appeals na makapag-isyu ng subpoena ang New York prosecutors para makuha ang kanyang corporate tax returns.
Ang subpoena para sa tax returns ni Trump ay bahagi ng imbestigasyon kay Trump at sa organisasyon ni Trump kaugnay sa di umano’y malaking perang ibinayad sa dalawang babaeng nagkaroon di umano ng sexual relationship kay Trump bago ang 2016 elections.