Hiniling ni US President Donald Trump ang tulong ng South Korea para matugunan ang dumaraming kaso ng COVID-19 sa Amerika.
Napag-alamang tumawag si Trump kay South Korean President Moon Jae In para magpatulong sa mga medical equipment ng gamit ng South Korea sa mabilisang pagtukoy ng mga kinapitan na ng virus.
Nangako umano si Trump kay Moon na tutulungan nito ang mga producers ng South Korea para agad makakuha ng approval mula sa US Food and Drug Administration.
Matatandaan na umani ng papuri ang mabilis na malawakang testing na ginawa ng South Korea kaya’t mabilis nilang naihiwalay ang mga positibo mula sa karamihan.