Ikinadismaya ni US President Donald Trump ang pag – export ng China ng langis sa North Korea sa kabila ng umiiral na economic sanctions dahil sa nuclear program ng NoKor.
Ayon kay Trump, tatlongpong (30) beses nakunan ng larawan ng mga spy satellite ang paglilipat ng petroleum supply ng mga Chinese vessel sa mga North Korean cargo ship, simula pa noong Oktubre.
Hindi aniya magkakaroon ng solusyon sa problema kung magpapatuloy ang China sa paglabag sa sanctions laban sa North Korea.
Una nang iginiit ng Tsina na wala naman silang nilalabag na sanction sa oil transfers sa pagitan ng Chinese at North Korean vessels.