Itinalaga ni U.S. President Donald Trump si Vice President Mike Pence para pangunahan ang pagtugon sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) cases sa Amerika.
Sinabi ni Trump na si Pence ang direktang makikipag-ugnayan sa health professionals at iba pang may kaugnayan sa pagtugon sa nasabing sakit at anumang update hinggil dito ay iuulat sa kaniya ng opisyal.
Binigyang diin ni Trump na priority nila ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mamamayan kaya’t ginagawa nila ang lahat para maiwasan ang paglaganap pa ng COVID-19.