Isinakdal na si U.S. President Donald Trump dahil sa ‘di umano’y pang-aabuso sa kapangyarihan at obstruction of congress.
Si Trump ang ikatlong Pangulo ng Amerika na ini-impeach ng U.S. House of Representatives.
230 ng mga democrats ang botong nakuha ng abuse of power article of impeachment kontra sa botong 197 na pawang mga republicans.
May kaugnayan ito sa ‘di umano’y panggigipit ni Trump sa Ukraine upang imbestigahan ang kanyang karibal sa pulitika na si Joe Biden.
Samantala, pumasa naman ang obstruction article sa botong 229 kontra 198.
May kaugnayan naman ito sa ‘di umano’y direktiba ni Trump sa mga administration officials at agencies na huwag sundin ang mga subpoenas para sa testimonya at dokumento na may koneksyon sa impeachment.
Nakatakdang i-akyat sa Senado ang articles of impeachment kung saan lilitisin si Trump at magsisilbing hukom ang mga senador na karamihan ay republicans.