Ipinanawagan ni US President Donald Trump na isantabi na ang paghihiganti, pagtutol, at pagpaparusa at tapusin na ang partisan investigation.
Ito’y kasabay ng kanyang isinagawang state of the union address kahapon.
Gayunman, nagmatigas pa rin si Trump sa kanyang polisiya sa immigration na ikinagalit ng mga demokrata at nagdulot ng government shutdown sa kanilang bansa.
Muling binigyang diin ni Trump na banta sa kaligtasan at seguridad ng Amerika ang mga iligal na immigration at dapat anyang magkaroon ng border wall sa bansa.
Wala namang inilatag na hakbang ang pangulo para makipag-ugnayan sa democrats na target harangan ang agenda ng kanyang administrasyon.