Pormal nang tinanggap ni business mogul Donald Trump ang presidential nomination ng Republican para maging manok sa US elections.
Inisa-isa ni Trump ang mga plano niya para sa mga Amerikano kapag naging Pangulo ng bansa.
Ayon kay Trump, ire-repeal niya at papalitan ang Obama Care kasabay ang pangakong makakapili muli ang mga Amerikano ng sarili nilang doctor.
Tiniyak ni Trump ang pagpapalakas sa US military at pagtayo ng pader sa Mexico border.
Nangako rin si Trump na pipigilan ang Immigration mula sa mga bansang may kaugnayan sa mga terorista.
Binigyang diin ni Trump na hindi kailanman pipirma ng bad trade ang Amerika at sa panahon niya ay mauuna ang kapakanan ng mga Amerikano.
Inakusahan ni Trump ang mga Chinese bilang aniya’y greatest currency manipulators.
Bahagi ng pahayag ni Donald Trump
By Judith Larino