Pinabulaanan ni United States President Donald Trump na may kinalaman ang US government sa umano’y tangkang pagpapabagsak kay Venezuelan President Nicolas Maduro.
Ginawa ni Trump ang pahayag matapos madakip ang ilang kalalakihan, kabilang ang dalawang dating sundalong Amerikano, na sinasabing bahagi ng operasyon para itumba si Maduro.
Giit ni Trump, hindi pakawala ng kanyang pamahalaan ang mga sinasabing “professional American mercenaries” na nahuli ng Venezuelan authorities.
Una rito, isiniwalat ni dating US Green Beret Jordan Goudreau na siya ang nanguna sa inilunsad na “Operation Gideon” sa Valenzuela kung saan walong ‘suspected attackers’ ang nasawi.