May pag-asa pang matuloy sa Hunyo 12 ang pulong sa pagitan nina US President Donald Trump at North Korean Supreme Leader Kim Jong Un.
Ito’y sa kabila ng naunang pahayag ni Trump na kinansela na niya ang summit dahil sa patuloy na paghahamon ng gulo ng NoKor.
Sa isang tweet, nilinaw ni Trump na bagaman planong idaos ang pulong sa Singapore, maaari namang iurong ang petsa nito.
Tila nabunutan naman ng tinik sa dibdib si South Korean President Moon Jae-In at nagpasalamat dahil hindi isinantabi ang summit.
Kabilang sa tatalakayin sa naturang pulong ang denuclearization ng North Korea Peninsula upang mapahupa ang tensyon sa Korean Peninsula.
—-