Absuwelto si dating US President Donald Trump sa kasong “incitement of insurrection” na may kaugnayan sa madugong pag-atake sa United States Capitol noong ika-6 ng Enero.
Matapos ang limang araw na impeachment trial sa US Senate, nahati ang mga boto kung saan umabot sa 57 mambabatas ang pumabor na ma-convict ang dating Pangulo habang 43 naman ang bumoto para mabasura ang kaso.
Gayunman, hindi sapat ang mga botong iyon para sa two-third votes mula sa mga Democrats upang tuluyang ma-convict si Trump.
Ngunit pitong senador naman mula sa Republican na pawang mga kapartido ni Trump ang bumoto laban sa dating US president na pinakamataas sa kasaysayan.