Dinala na sa Walter Reed National Military Medical Center si US President Donald Trump para simulan ang recovery process matapos na dapuan ng COVID-19.
Ayon kay White House Press Secretary Kayleigh McEnany, buo pa rin ang loob ni Trump na malalagpasan ang pagsubok, kahit pa siya’y nakararamdam ng sintomas ng virus.
Magugunitang kahapon lamang, ay inahayag ni Trump ang pagdapo ng virus sa kanya at first lady nitong si Melania Trump.
Kasunod nito, magpapatuloy ang serbisyo ni US President Trump sa Presidential room ng kanyang tinutuluyang pagamutan.