Nagpalabas si US President Donald Trump nang mas mabigat na sanction laban sa mga negosyo na nakikipag-ugnayan sa North Korea.
Ayon kay Trump layunin ng kanyang executive order ang maharang at maputol ang pinagkukunang pinansyal ng North Korea na nagagamit lamang sa paggawa ng nuclear weapon.
Target ng nasabing kautusan ang ilagay sa blacklist ang mga indibiduwal, kumpanya, financial institutions na nakikipagkalakalan sa North Korea.
Kasabay nito pinuri naman ni Trump ang China dahil sa utos sa kanilang central bank na makipagnegosasyon sa Pyongyang.
—-