Nag-alok ng karagdagang tulong si US President Donald Trump kay Pangulong Rodrigo Duterte para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa US Embassy, nagkasundo rin ang dalawang lider na ipagpatuloy ang pagtutulungan upang labanan ang COVID-19 pandemic, patuloy na magsagip ng buhay at maibangon ang ekonomiya.
Nauna rito, inihayag ng Amerika noong Marso ang mahigit sa $4-M na health assistance sa Pilipinas para sa laboratory system preparedness, case findings at event based surveillance.
Maaari ring gamitin ang pondo para sa technical expert response and preparedness, risk communication at infection prevention.
Ilang minuto ring nagkausap ang dalawang lider nang tawagan ni Trump sa telepono ang Pangulong Duterte.