Nagbanta ngayon si US President Donald Trump na gagamitin ang puwersa ng militar para tuluyang maisara ang US-Mexico border.
Kasunod ito ng mga ulat na mahigit 3,000 migrants mula El Salvador, Honduras at Guatemala ang patungong Estados Unidos.
Ayon kay Trump, gagawin niya ang lahat para mapigilan ang illegal immigration.
Una rito, pinutol na rin ni Trump ang lahat ng tulong para sa mga mamamayan ng El Salvador, Honduras at Guatemala na nasa Estados Unidos.